WAGE HIKE MALAKING TULONG UMANO AYON SA MGA LABOR GROUPS NG REGION 1

20
Malaking tulong umano ang wage hike na ipinatupad ng Department of Labor and employment o DOLE Region 1 sa umentong kanilang ipinatupad dito sa Rehiyon lalo na’t nararanasan ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin maging ang mga produktong petrolyo.
Ayon sa ilang labor groups dito sa rehiyon, ang dagdag na 30 pesos kada araw ay malaking tulong na sa araw araw na gastusin.
Ipinaliwanag namang muli ng DOLE na hinati sa tatlong tranche ang 30 pesos na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.

Samantala, bagama’t kulang ang dagdag umento upang mapunan ang mga araw araw na gastusin ng mga manggagawa nagpapasalamat parin ang mga ito dahil kahit papaano ay natutustusan ang kanilang pang-araw araw. | ifmnews
Facebook Comments