WAGE INCREASE | Wage adjustment sa Metro Manila, malaking tulong – Malacañang

25

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na makakatulong sa araw-araw na gastusin ang P25 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iginagalang nila ang inaprubahang minimum wage increase ng wage board.

Dagdag pa ni Panelo, posible pang madagdagan ito depende sa magiging takbo ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod na buwan.

Una rito, P334 ang inihihirit na dagdag sahod ng mga labor group pero P20 lamang ang alok ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Facebook Comments