WAGI | Muntinlupa Cagers, tinalo ang Rizal Crusaders sa kanilang naging laban sa MPBL

188

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Muntinlupa Cagers ang Rizal Crusaders sa kanilang naging laban sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup.

Tinalo ng Muntinlupa ang Rizal sa score na 84-80 kung saan bumida sa panalo ang dating PBA player na si Allan Mangahas na 23-points at 9-assists.


Dahil dito, nananatiling nangunguna sa southern division ang Muntinlupa na may apat na panalo at walang talo.

Samantala, tinalo naman ng Imus Bandera ang Makati Skyscrapers sa score na 79-76.

Facebook Comments