
Kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month, nanawagan ang Malacañang na itigil ang mga malalaswa at bastos na pahayag laban sa kababaihan.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat ginagawang paksa ng kalaswaan o malisyosong biro ang mga babae, lalo na kung ipinagmamalaki pa ito sa publiko.
Giit ni Castro, hindi dapat ituring na papuri ang ganitong mga pahayag, at hindi rin dapat ipagpasalamat ng kababaihan ang ganitong pagtingin.
Mahalaga aniya ang papel ng mga kababaihan, at dapat silang igalang, suportahan, at pahalagahan sa lipunan.
Facebook Comments










