WALA PANG BALAK | Deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, hindi pa tuluyang aalisin

53

Manila, Philippines – Wala pang balak ang Pilipinas na alisin ang
deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

Ito ay kahit na mayroon ng final agreement na mabibigay ng proteksyon sa
mga OFW.

Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III – hindi pa niya
irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-lift ng ban lalo na para
sa mga household service workers.

Pero ikinokonsidera na ang pag-tanggal ng ban para sa mga skilled workers
lamang.

Nitong Biyernes, inaprubahan na ng mga delegasyon ng Pilipinas at Kuwait
ang kasunduan at inaasahang lalagdaan sa loob ng dalawang linggo.

Facebook Comments