WALANG ATRASAN | Pangulong Duterte, pinaghahanda ang AFP para arestuhin ang mga miyembro ng CPP-NPA

107

Manila, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines o AFP na maghanda na sa susunod nilang operasyon.

Sinabi kasi ni Pangulong Duterte na maglalabas siya ng kautusan para arestuhin ang mga miyembro ng CPP-NPA na idineklara na niyang mga terorista kaya kailangan itong paghandaan ng mga sundalo.

Paliwanag ng Pangulo, dahil walang peace talks ay kailangan ng arestuhin at ibalik sa kulungan ang mga lider ng teroristang grupo na pansamantalang pinakalawalan para sa paglahok sana ng mga ito sa usapang pangkapayapaan.

Matatandaan na inilabas ng Malacañang ang Proclamation number 374 na nagdedeklara sa CPP-NPA na isang terrorist group sa bisa ng Republic Act number 10168 o ang Terrorism Financing Prevention Act of 2012.

Facebook Comments