WALANG BASAGAN NG TRIP | Australian corporate man, mas bet magsuot ng high-heels kaysa sapatos na panlalaki

85

Australia – Sa halip na leather shoes, isang Australian man ang mas bet na magsuot ng six-inch stilettos sa kanyang trabaho.

Ayon kay Ashley Maxwell-Lam, project manager sa isang banko sa Sydney, feeling niya ay “empowered” at mas “confident” siya kapag naka-high heels siya.

Bagama’t openly gay, hindi palda ang ipina-partner niya sa high-heels kundi ang business casual dress code pa rin para sa mga lalaki na Amerikana suits!

Nakuha ni Ashley ang ideya ng pagsusuot ng stiletto heels sa napanuod niyang video ng French Trio male dancers na sumasayaw habang naka-high heels.

Kapag nga raw pumapasok siya sa trabaho, hindi pa rin maiwasan na pinagtitinginan at pinagbubulungan siya sa labas.

Pero dedma lang si Ashley dahil katunayan, gusto raw niya na makita kung paanong kwestiyunin ng mga tao ang ipinapakitang contrast sa pagitan ng masculinity at femininity sa paraan ng kanyang pananamit.

Facebook Comments