WALANG COMMUNITY TRANSMISSION NG COVID-19 SA AKLAN

Kalibo, Aklan – Walang community transmission ng Corona Virus Disease o COVID-19 sa Aklan ito’y ayon mismo sa Provincial Health Office ng lalawigan.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer 1, ng PHO-Aklan, sa nakalipas na mahigit dalawang linggo walang bagong kaso ng COVID-19 ang nairekord nila.
Nanatiling 6 aniya ayon kay Dr. Cuachon ang nagkaraoon ng nasabing virus infection dito, 3 ay mula sa bayan ng Kalibo, 1 sa bayan ng Malay, Libacao at Altavas.
Pahayag pa niya na nasa recovery stage na ang mga ito sa Aklan Provincial Hospital, Aklan Training Center at Western Visayas Medical Center at naghihintay na lang ng kanilang corona virus repeat test results mula sa sub-national laboratory sa Iloilo City.

Facebook Comments