WALANG DAHILAN | Rollback sa pamasahe sa mga Bus, malabo pang mangyari sa ngayon – LTFRB

23

Manila, Philippines – Wala pang nakikitang dahilan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ibaba ang pasahe sa bus.

Ito ay kahit malaki na ang ibinaba sa presyo ng diesel at gasolina na sinundan na rin ng bawas-pasahe sa mga jeep.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III – sakto lang ang dagdag-pasahe sa mga bus dahil halos walong taon ding hindi gumalaw ang kanilang pasahe partikular ang mga bumabiyahe sa Metro Manila.

Hindi aniya ito gaya ng mga jeep na nagtaas-baba ang pasahe sa nakalipas na walong taon.

Sa kasalukuyan, P11 ang pasahe sa mga ordinary bus habang P13 naman sa mga air conditioned.

Facebook Comments