Walang Gutom Program, palalawakin pa kasunod ng pagbaba ng hunger rate sa bansa — PBBM

PHOTO: Presidential Communications Office

Bumaba sa 41.5% ang hunger rate sa bansa nitong Marso 2025, mula sa 48.7% noong Oktubre 2024, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ipinahayag ito ng Pangulo sa paglulunsad ng Reducing Food Insecurity and Undernutrition with Electronic Vouchers (REFUEL) Project, na layong palakasin at palawakin pa ang Walang Gutom Program ng pamahalaan.

Giit ng pangulo, bunga ito ng pinaigting na implementasyon ng nasabing programa ang pagbaba ng bilang ng mga nagugutom sa bansa.

Tiwala aniya siyang lalo pang bababa ang datos bago matapos ang taon.

Kasabay nito, inanunsyo ng pangulo na palalawakin pa ang bilang ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program mula sa kasalukuyang bilang patungong 600,000 beneficiaries sa 2026, at 750,000 sa 2027, hanggang sa maabot ang target na 1 milyong pamilyang Pilipino sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Facebook Comments