WALANG KARAPATAN | Janet Lim-Napoles, wala pang karapatang lumipat ng kustodiya ayon sa DOJ

25

Manila, Philippines – Wala pang karapatan ang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles na hilingin ang paglipat niya sa isang safe house mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Base sa isinumiteng komento ng Department of Justice sa Sandiganbayan, provisionally admitted pa lang si Napoles sa Witness Protection Program o WPP.

Ibig sabihin, hindi pa tuluyang aprubado ang aplikasyon ni Napoles na mapasailalim sa WPP.

Giit pa ng DOJ, ang kasong plunder at ang kasalukuyang pagdinig sa Sandiganbayan ang mga titignan nilang kosiderasyon kung dapat mapasailalim sa full coverage ng WPP si Napoles.

Facebook Comments