WALANG KAWALA | Jason Aquino, hindi pa lusot sa mga posibleng kaso kahit nagbitiw na sa posisyon

24

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi makatatakas sa anomang posibleng kaso ang nagbitiw na si National Food Authority Administrator Jason Aquino.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng panawagan ng ilang Senador na dapat ay hindi hinayaang magbitiw at dapat ay sinibak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang pagbibitiw ni Aquino sa posisyon ay hindi nangangahulugan na lusot na ito sa anomang kaso na maaaring isampa laban dito.

Sinabi din ni Roque na malaya naman ang mamamayan na magsampa ng kaso sa office of the ombudsman laban kay Aquino kung hindi nila nagustuhan ang pamamalakad nito sa NFA.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang paghahanap ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong NFA Administrator at mahalaga ito dahil mahalaga ang papel ng NFA sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Facebook Comments