WALANG KINALAMAN | Malacañang, itinanggi na may kaugnayan sa eleksyon ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Hong Kong

33

Manila, Philippines – Itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patikim para sa darating na eleksyon ang pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pinoy sa Hong Kong.

Ayon kay Roque, pagpapakita ito ng Pangulo ng pagpapahalaga sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na sumuporta sa kaniya.

Nabatid na mahigit 2,000 Pilipino sa Hong Kong ang dumalo sa pagpupulong kasama si Duterte.

Sa kabila nito, ilang Pinoy ang nagprotesta bago pa makaharap ng Pangulo ang Pinoy community sa Hong Kong.

Giit ni bagong alyansang Makabayan Chairperson Eman Villanueva, dismayado sila sa Pangulo dahil bigo itong lumikha ng mga trabaho sa Pilipinas.

Pinuna rin nila ang “war on drugs” ng administrasyon sa Pilipinas na dahilan umano ay ng mga nagaganap na extrajudicial killings.

Facebook Comments