WALANG LUSOT | Babae, kalaboso matapos magtangkang magpuslit ng iligal na droga sa Batangas Police Provincial Office

14

Batangas – Arestado ang isang babae matapos magtangkang magpasok ng iligal na droga sa loob ng lock-up cell ng Batangas Police Provincial Office.

Nabisto ng pulisya ang isang sachet ng shabu na itinago sa nakabalot na kanin na ipupuslit sana ng suspek na si Jamaica Lira.

Nabatid na dala ng suspek ang pagkain mula sa isang fast-food chain kung saan ibibigay niya ito sa kanyang kinakasama na si Francis Asihan, na isa sa mga detainee.

Sa rekord ng pulisya, nahuli si Asihan noong Hunyo 18 dahil sa pagbebenta ng droga sa Lipa City.

Facebook Comments