WALANG LUSOT | Raliyistang nanggulo sa selebrasyon ng Independence Day sa Kawit, Cavite – kakasuhan

99

Kawit, Cavite – Kakasuhan ng paglabag sa article 153 ng revised penal code ang isang raliyista na nambulabog habang nagtatalumpati si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kawit, Cavite.

Inaresto kanina si Francis Couichie Rafael, 20-anyos na taga-Biñan, Laguna.

Ayon kay Cavite Provincial Director William Segun, kahit may freedom of expression, hindi pa rin lusot sa batas ang ginawa ng mga raliyista dahil nanggulo siya sa kasagsagan ng event.

Paulit-ulit nilang isinigaw ang “Huwad na kalayaan, Duterte patalsikin!”

Samantala, nakatakas naman ang siyam pang kasamahan ni Rafael na tumakbo papalayo sa mga arresting office.

Facebook Comments