WALANG MABABAGO | DOJ panel na sumusulong sa mga kaso ni Trillanes, hindi babaguhin

Manila, Philippines – Tiniyak ni acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na walang mababago sa composition ng panel of prosecutors na humahawak sa mga kasong kudeta at rebellion laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa Makati RTC Branches 148 at 150.

Ayon Fadullon, alam na kasi ng naturang panel kung paano nila ilalaban ang mga kaso.

Kinumpirma rin ni Fadullon na pupulungin niya ang mga miyembro ng panel na kanyang pamumunuan.


Kabilang sa mga miyembro ng panel sina Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, Assistant State Prosecutors Maryjane Sytat, Evee Eunice De Keyser at Josie Christina Dugay.

Facebook Comments