WALANG PALAG | Lalaki, arestado matapos mahulihan ng shabu

86

Manila, Philippines – Arestado ng Quezon City Police District ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilang sachet ng shabu at dalawang baril.

Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Derick Framil na residente ng #12 Saint Bernadette Street, Villa Lourdes Subdivision, Brgy. Culiat.

Nakuha sa pag-iingat nito ang 27 small sachet at 1 medium sachet ng shabu kasama na ang isang .45 at .38 calibre na baril.

Ayon kay QCPD Dir. Chief Supt. Guillermo Eleazar, agad silang nagsagawa ng mga operasyon matapos na ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP ang giyera kontra iligal na droga.

Sinabi pa ni Eleazar na matagal din nilang mino-monitor ang suspek na talamak na nagbebenta ng shabu sa kanilang lugar pero hirap silang hluihin ito dahil pinagtatakpan ng mga kapitbahay kung saan sideline din niya ang pagiging gun runner.

Facebook Comments