WALANG PALAG |Siyam na pig pens, winasak

48

Maynila – Hindi na nakapalag pa ang mga may-ari ng siyam na pig pens sa Baseco Compound Port Area, Maynila nang salakayin sila ng mga opisyal at tauhan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).
Mismong si PRRC Director Jose Antonio Goitia ang na­nguna sa pagsalakay at pagwasak sa kulungan ng mga baboy ng matagal ng inirereklamo ng mga residente ng Baseco dahil sa ‘mabahong amoy at mala­ngaw’ sa kanilang kapaligiran bunsod ng tinatayang nasa 500 na ina­alagaan sa lugar.
Itinuturing din itong pollution dahil ang duming inila­labas ng mga baboy ay direktang tumatapon sa ilog Pasig.
Katuwang ng PRRC sa pagsalakay ang mga tauhan ng Manila Sanitary Office, PNP at NBI kung saan pinagbigyan nila ang pakiusap ng mga may-ari na kunin ang mga alagang­ baboy at dalhin sa kani-ka­ni­lang mga buyer at ibenta kahit sa murang halaga para hindi gaanong malugi.

Facebook Comments