WALANG PANG NAPIPILI | Papalit sa magreretirong Philippine Army Chief, hindi pa tukoy ng DND

190

Manila, Philippines – Wala pa ring napipiling kapalit sa pwesto si Philippine Army Chief Lt. Gen Rolando Joselito Bautista.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa harap nang nakatakda nitong pagretiro ngayong buwan.

Ayon kay Lorenzana, maaring bago mag October 15 ay i-anunsyo na ng pangulo ang pangalan ng susunod ana Philippine Army Chief.

Kaugnay nito, suportado naman ni Lorenzana si Bautista kung maitatalaga ito bilang DSWD Secretary.

Aniya propesyunal at maayos magtrabaho ang opisyal kaya hindi aniya ito dapat kwestyunin ng sinuman lalot mismong ang pangulo ang pumili rito para sa posisyon.

Facebook Comments