WALANG PERSONALAN | LTO Chief Asec. Galvante, pinagbibitiw ni Speaker Alvarez

92

Manila, Philippines – Pinagre-resign na ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Edgar Galvante.

Ito ay dahil sa napakabagal na pagproseso ng plaka ng mga sasakyan.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, umaangal si Alvarez na isang taon nang nasa pwesto si Galvante pero napakarami pa ring mga sasakyan ang hindi naiisyuhan ng plaka ng LTO.

Ang ganito aniyang katagal na pag-aksyon ay nangangahulugan lamang na hindi kaya ni Galvante ang kanyang trabaho.

Sinabi pa ni Alvarez na panahon pa lamang ng kampanya ay nababanggit na ni Pangulong Duterte ang problema sa plaka na napakasimple lamang na problema.

Nilinaw naman ni Alvarez na wala personalan sa pagitan nila ni Galvante kundi trabaho lang.

Facebook Comments