WALANG PINSALA | Guimaras, niyanig ng 2 magkakasunod na lindol

Sibunag, Guimaras – Isang minuto pa lamang matapos yanigin ng lindol ang Antique, nakaranas naman ng dalawang magkasunod na lindol ang Guimaras.

Batay sa monitoring ng PHILVOCS, ang unang pagyanig ay namataan ang sentro 2 kilometers sa timog kanluran ng Sibunag, Guimaras.

Naitala ang pagyanig bandang 7:46 kana na tectonic ang origin.


Sinundan ito ng isa pang paglindol sa Buenavista Guimaras na may 2.3 magnitude bandang 7:47.

Dalawang ulit din na nakaramdam ng pagyanig ang Iloilo City.

Isang intensity 5 na dulot ng lindol sa Antique at isang Intensity 4 sa lindol sa Guimarad.

Wala naman naitala na pinsala sa mga nangyaring lindol.

Facebook Comments