WALANG PINSALA | Maguindanao, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

19

Maguindanao – Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsiya ng Maguindanao.

Tectonic in origin ang pinagmulan nito na may lalim na 56 kilometers kung saan naramdaman ito alas-8:01 kagabi.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang epicenter nito sa South Upi Town.

Wala namang naitalang anumang danyos at anumang inaasahang aftershock ang nasabing lindol.

Facebook Comments