WALANG PLANO | Sen. Pimentel, hindi magpaparaya sa paksyon ng pinamumunuan niyang PDP laban

Manila, Philippines – Walang plano si PDP laban President Senator Koko Pimentel na magparaya sa paksyon sa partido na pinamumunan ni Atty. Rogelio Garcia.

Diin ni Pimentel, hindi sya kapit-tuko sa pwesto pero hindi niya hahayaan na pakinabangan ng iba ang kanilang itinanim o pinaghirapan.

Ayon kay Pimentel, okay lang kung mapupunta ang liderato ng PDP laban sa mga kasama nilang naghirap sa pagpapalaki ng partido pero hindi sa grupo ni Garcia na nais maka-jackpot agad.


Payo pa ni Pimentel sa panig ni Garcia, dapat magbanat din ang mga ito ng buto.

Walang ding nakikitang dahilan si Pimentel para makipag-ayos sya sa grupo ni Garcia dahil wala naman aniyang kumikilala sa mga ito maliban sa kanilang mga sarili at iilang mamamahayag.

Magugunita na noong July 27 ay nagsagawa ng national assembly ang grupo ni Garcia kung saan inihalal ito bilang bagong lider ng PDP laban.

Samantala, inihayag din ni Pimentel ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang PDP laban ang kanyang partido at ikakampanya niya ang kanilang magiging kandidto sa darating na halalan.

Facebook Comments