WALANG PROBLEMA | Top Rank CEO Bob Arum, muling nilinaw na walang namamagitang problema sa kanila at sa kampo ni Manny Pacquiao

Manila, Philippines – Muling nilinaw ni Top Rank CEO Bob Arum na walang anumang problema ang namamagitan sa kanila at ng kampo ni Manny Pacquiao.

Ito ay sa kabila ng naging pahayag ni Pacquiao na ang kanyang MP Promotions ang siya nang hahawak sa laban nito kay Lucas Matthysse at hindi na ang Top Rank.

Pero ayon kay Arum, maayos pa din ang ugnayan nila ni Pacman at sa katunayan, kapag nanalo daw ito kay Matthysse sa kanilang boxing match sa Hulyo, plano daw niyang sunod na makaharap ang Ukrainian na si Vasyl Lomachenko kung saan nasa ilalim ito ng Top Rank Promotion.


Dahil dito, tiwala daw si Arum na mananalo si Manny kay Matthysse at kapag nagkataon, masaya daw siyang ipo-promote ang Pacquiao-Lomachenko fight.

Facebook Comments