WALANG TAKAS | Imelda Marcos, hindi makakaiwas kapag naglabas ng arrest warrant laban sa kanya – Malacañang

Manila, Philippines – Hindi ligtas sa aresto si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos oras na maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan kaugnay sa kaniyang conviction sa mga kaso ng katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makakabuti na hayaan ang korte at ng pulis na gawin ang trabaho nito.

Aniya, hindi pa naman pinal ang hatol kaya maaari pang umapela ang kampo ni Marcos.


Sabi pa ni Panelo, tumutulong ang Pangulo sa sinumang may kailangan pero hanggang dito lang ito.

Pero kapag batas na aniya ang humatol ay wala ng magagawa pa ang Punong Ehekutibo.

Facebook Comments