WALANG THIRD PARTY | Mega Star Sharon Cuneta, tiwala sa mister na si Sen. Kiko Pangilinan na wala itong babae

63

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Megastar Sharon Cuneta na kailanman ay wala daw silang pinag-awayang babae ng asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Sinabi ni Shawie na mula noong ikinasal sila noong 1996 ay nagkakaroon sila ng mga away na normal sa mag-asawa subalit hindi daw ito tungkol sa babae.

Ayon pa sa Mega-Star, hindi siya nag-aalala sa tuwing lumalabas ang asawa dahil may tiwala daw ito sa mister at sigurado daw siya na wala itong kasamang babae.

Masaya din si Sharon dahil sa walang sawang pag-alaga ng kaniyang sa kanila.

Rekasiyon ito ni Sharon matapos lumabas ang balita na may third party sa relasyon nila ni Senator Kiko.

Facebook Comments