Walang voters registration sa MECQ areas hanggang June 15 – COMELEC

39

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na walang voters registration sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula June 1 hanggang 15.

Sakop nito ang mga Office of the Election Officer (OEOs) ng Puerto Princesa City sa Palawan, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental at Ifugao Province.


Bagama’t walang voters registration, bukas pa rin ang kanilang tanggapan para sa applications para sa voters certification.

Sarado naman ang mga opisina ng COMELEC sa Santiago City sa Isabela, Cagayan Province, Iloilo City, Butuan City, Benguet at Apayao mula June 1 hanggang 15.

Sa ngayon, ang poll body ay nakapagtala na ng 59 million registered voters.

Facebook Comments