Walk-in policy sa mga COVID-19 vaccination site, “welcome” sa DILG

Welcome sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaroon ng walk-in policy sa COVID-19 vaccination sites.

Ito ay kasunod ng hakbang ni Manila City Mayor Isko Moreno na payagan ang walk-ins na magpabakuna laban sa COVID.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba, naglabas na si DILG Secretary Eduardo Año ng memorandum circular na humihimok sa mga Local Government Units (LGU) na gumawa ng mga istratehiya para sa kanilang vaccination rollout.


Gayunman, dapat aniyang matiyak ng mga local executives na napatutupad ang minimum public health standards.

Facebook Comments