WALK-IN VACCINATION, ISASAGAWA SA VILLASIS

VILLASIS, PANGASINAN – Magbubukas para sa walk-in vaccination ang Villasis bukas, ika- 27 ng Oktubre, ayon sa lokal na pamahalaan.

Ang vaccination ay bukas para sa 18 taong gulang pataas sa lahat ng residente at mga nagtatrabaho sa bayan.

Mula 8: 00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.


Aabot sa 1, 100 na doses ng bakuna ang nakatakdang iturok bukas.

Sa araw ng Huwebes nasa 1, 170 na doses ang inilaan ng Municipal Health Office sa pagpapatuloy ng vaccination program.

Hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ang mga nagpalista noon na hindi pa natatawagan na maari ng magtungo sa walk-in vaccination upang mabigyan ng proteksyon laban sa nakakahawang sakit.###

Facebook Comments