WALK-IN VACCINATION MULING ISASAGAWA NG PROVINCIAL HEALTH OFFICE NGAYONG ARAW

37

LINGAYEN, PANGASINAN – Isasagawa muli ng Provincial Health Office ang Walk-in Vaccination kontra COVID-19 ngayong araw ika-12 ng Enero.

Gaganapin ang pagbabakuna sa Pangasinan Training and Development Center II.

Bukas ang pagbabakuna para sa first dose, second dose at gustong makatanggap ng booster shots.

Bukas din ito sa mga edad 12-17 na nagnanais mabigyan ng proteksyon laban sa sakit.

Paalala naman sa mga magpapabakuna na huwag kalimutang dalhin ang kanilang Valid ID, Birth Certificate, Student ID, Medical Certificate o Medical Clearance sa may comorbidity at kasamang magulang o guardian para sa “Pediatric Population”.

Layon ng nasabing walk-in vaccination na mapataas pa ang bilang ng mga mababakunahan sa Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan ng nakararami laban sa COVID-19. | ifmnews



Facebook Comments