Walong Barangay sa Mandaluyong, apektado ng pagkasira ng tubo ng Manila Water

Walong barangay ang nawalan ng tubig ngayon sa lungsod ng Mandaluyong.

Ito ay matapos na masira ang ang tubo ng Manila Water sa Aglipay Street sa Barangay Poblacion.

Kabilang sa nawalan ng tubig ang Barangay.


Ayon sa Manila Water, nasagasaan ng ten-wheeler truck ang nasabing tubo.

Agad naman sumaklolo ang Mandaluyong Bureau of Fire Protection upang magrasyon sa mga nawalan ng tubig na residente ng Barangay Hulo.

Dahilan para bumagal ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng F. Bluementritt Street ng nasabing Barangay.

Kasalukuyang naman inaayos ng mga tauhan ng Manila Water ang nasirang tubo at inaasahang matatapos ang pagsasa-ayos ng nasabing tubo mamayang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments