Walong focus crime na naitatala araw-araw, nanatiling mababa ngayong may pandemya ayon sa JTF COVID Shield

21

Mababa pa rin ang mga krimen na naitatala ng Joint Task Force COVID Shield sa bansa.

Ito’y mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mula March 17 hanggang October 3, 2020 nakapagtala ang bansa ng 18,800 na krimen.

Mababa ito ng 16,146 o 46% kumpara sa nakalipas na anim na buwan o mula September 15, 2019 hanggang March 16, 2020 na umabot nang 34,946 ang krimen.

Batay pa sa datos ng JTF COVID Shield, lumalabas na kada araw may 94 krimen ang naitatala sa Pilipinas malayo sa dating 174 na krimen sa isang araw.

Ang walong focus crime na ito ay ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng motorcycle at carnapping ng motor vehicle.

Facebook Comments