Walong focus crime na naitatala araw-araw sa bansa, patuloy ang pagbaba ngayong pandemya ayon sa JTF COVID Shield

65

Nagpapatuloy ang pagbaba ng mga krimen na naitatala ng Joint Task Force COVID Shield sa bansa.

Ito’y mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.


Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mula March 17 hanggang September 2, 2020, nakapagtala ang bansa ng 15,183 na krimen.

Mababa ito ng 13, 787 o 48 percent kumpara sa nakalipas na anim na buwan mula Setyembre nang nakaraang taon hanggang March 16, 2020 kung saan wala pang ipinatutupad na lockdown.

Batay pa sa datos ng JTF COVID Shield, lumalabas na kada araw, may 89 krimen na naitatala sa Pilipinas malayo sa dating 170 na krimen sa isang araw.

Ang walong focus crime na ito ay ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping ng motorcycle at carnapping ng motor vehicle.




Facebook Comments