Walong foreign banks, planong magtayo ng kanilang mga bangko sa Pilipinas

161

Manila, Philippines – Walong foreign banks ang nagpakita ng interes na pumasok sa Pilipinas.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor Nestor Espenilla, ang naturang mga dayuhang bangko ay mula sa Asya na posibleng magtayo ng kanilang branches o kaya ay makipag-partner sa mga lokal na bangko dito sa Pilipinas.


Sinabi ni Espenilla na bawat bangko ay inaasahang magdadala ng tinatayang tatlong (3) bilyong piso.

Kapag nagkataon, inaasahang makapagpapalakas pamumuhunan at madaragdagan din ang trabaho sa bansa.

DZXL558

Facebook Comments