WALONG INDIBIDWAL, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON LABAN SA ILEGAL NA SUGAL SA LA UNION

Arestado ang walong indibidwal sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na sugal na isinagawa ng mga awtoridad sa San Fernando City at Bacnotan, La Union noong Nobyembre 2, 2025.

Sa unang operasyon sa San Fernando City, apat na residente ang naaktuhang nagsusugal ng mahjong.

Nakumpiska mula sa kanila ang isang set ng mahjong tiles at perang taya na umabot sa ₱1,150.

Ilang minuto lamang ang lumipas, apat na kababaihan naman sa Bacnotan ang nahuli rin na aktong nagsusugal.

Narekober sa lugar ang isang set ng baraha at perang taya na nagkakahalaga ng ₱1,110.

Dinala sa mga himpilan ng pulisya ang mga nahuling indibidwal para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Samantala, ang mga naaresto sa Bacnotan ay pinatawan ng municipal citation ticket dahil sa paglabag sa lokal na ordinansa laban sa ilegal na sugal.

Facebook Comments