Walong katao, arestado sa anti-drug operation ng pulisya sa Quezon City

69

Manila, Philippines – Arestado ang walong katao sa ikinasang anti-drug operation ng pulisya sa Quezon City.

 

Kinilala ang mga nadakip na sina Randy Galapon, Mary Jane Legaspino, Dominick Macandog, Henderson Luna, Kyle Romero, Allan Jay Sison, isang alyas Eagleman at ang target ng operasyon na si Bienvenido Aquino Jr.

 

Nabatid na anak ng dating kapitan ng barangay si Bienvenido na siyang supplier ng iligal na droga sa Bulacan, Pampanga at Lucena.

 

Nakuha sa nasabing operasyon ang 20 gramo ng shabu, drug paraphernalia, granda, baril at isang katana.

 

Inaalam naman kung sino ang source ni Beinvenido ng mga iligal na droga at kung sino din ang katransaksiyon nito sa kalapit na probinsiya.


Facebook Comments