Walong katao, arestado sa buy-bust operation sa dalawang lungsod

40

Arestado ang walong katao sa magkakasunod na buy-bust operation na isinagawa sa Malabon at Taguig city.

Sinalakay ng mga awtoridad ang #86 Women’s Club sa Hulong Duhat Market na kung saan nasamsam sa operasyon ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu at mga paraphernalia.

Labintatlong gramo naman ng hinihinalang shabu at mga paraphernalia ang nakuha sa mga suspek.

Kilala ang mga nahuli na mga tulak ng iligal na droga sa naturang barangay.

Samantala, timbog sa buy-bust operation ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Samaba Compound, Barangay New Lower Bicutan.

Nakuha sa kaniya ang 500 gramo ng hinihinalang shabu, P500 at cellphone.

Nabawi rin ang boodle money na ginamit sa buy-bust operation.




Facebook Comments