Walong katao, pinutakte ang isang convenience store sa Urdaneta, Pangasinan kahit may CCTV

39

Nilooban ng walong katao ang isang convenience store sa Urdaneta, Pangasinan.

Batay sa ulat, walang takot na tumangay ang mga ito nang aabot sa 50,000 pesos na halaga ng paninda na nahuli sa CCTV camera.

Modus ng mga ito ang pumwesto malapit sa kahera habang ang iba ay sinimulan nang ilagay ang ilang paninda sa bag at sa kanilang loob ng damit.


Ayon sa may-ari ng convenience store, nilito ng mga kawatan ang kahera at staff para hindi makita ang ginagawa ng kanilang kasama.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang tatlong babae at limang lalaki na nasa loob ng tindahan ngunit tinitingnan din ang anggulo na may kasabwat pa ito sa labas na nagsilbing lookout.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga kawatan kung malaking tulong ang kuha ng CCTV.



Facebook Comments