Walong lugar sa QC, isinailalim sa Special Concern Lockdown Areas

Isinailalim sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang walong lugar sa Quezon City (QC).

Kabilang dito ang mga sumusunod:
Isang lugar sa St. Luke St., Hobart subdivision Barangay Kaligayahan
Isang lugar sa Quirino Highway Barangay Gulod
Isang lugar sa ROTV hunters, Cluster 7 Barangay Tatalon
Isang lugar sa G. Araneta Avenue, Barangay Santol
Isang lugar sa GKHSIA Upper Banlat, Barangay Tandang Sora
Tabigo St., Barangay Commonwealth
Isang lugar sa Alex Apartelle, Virgo St., Solville Subdivision, Barangay Talipapa
Isang lugar sa Davao St., Barangay Alicia

Mahigpit na binabantayan ang mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Nilinaw naman ng QC government na may mga partikular na lugar lamang na kabilang sa SCLA at hindi buong barangay.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

Sasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

Facebook Comments