Walong mag-aaral na nakapagtapos at may mga award mula sa paaralan, kabilang sa mga natulungan ng Tablet Mo, Sagot ng Radyo Trabaho ng RMN DZXL 558 Manila

Aabot sa walong masusuwerteng tagapakinig ng DZXL 558 Radyo Trabaho ang natulungan ng RMN DZXL 558 Manila.

Sa pakikipagtulungan ito ng opisina ni Senator Kiko Pangilinan para sa Tablet Mo, Sagot ng Radyo Trabaho!

Tumanggap ng regalong tablet ang walong mga mag-aaral na matagumpay na nakapagtapos at may mga award mula sa kanilang paaralan.


Kinabibilangan ito nina;

 Vhee Salazar ng Pasig City
 Janriel Sabarillo ng Muntinlupa City
 Life Adlin Espiritu ng Bulacan
 Jenny Chico Angeles ng Quezon City
 Rachelle Ines ng Makati City
 Joana Rodolfo ng Muntinlupa City
 Alexandra Dolorosa ng Trece Martires, Cavite
 At si Erwin Jorvina Macaraig ng Calamba, Laguna

Muli, maligayang pagbati sa mga nagwagi at maging tulong ito upang mas lalo pang maging masipag at masigasig sa pag-aaral.

Facebook Comments