Walong tagapagsalita ng NTF-ELCAC, walang dagdag bayad

22

Nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na walang dagdag na bayad ang walong tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Esperon na Vice Chairman din ng NTF-ELCAC, nagmumula sa mother agencies ang suweldo kaya walang nakikitang dahilan kung bakit dapat katakutan ang pagkakaroon ng maraming tagapagsalita ng nasabing task force.


Sa katunayan, sinabi ni Esperon na dagdag-trabaho pa sa mga ito ang pagiging tagapagsalita ng task force na kinabibilangan nina Lt. General Antonio Parlade at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy.

Ang anim na bagong tagapagsalita ng NTF-ELCAC ay kinabibilangan nina DILG Usec. Jonathan Malaya; PHRCS Usec. Severo Catura; PCOO Usec. Jose Joel Sy Egco; DOTr Assistant Secretary Celine Pialago; NCIP Caraga Regional Director Lawyer Marlon Bosantog at Gaye Florendo.

Facebook Comments