Walong Taong Gulang na Bata, Sugatan sa Hit And Run!

47

Reina Mercedes,Isabela – Sugatan ang isang walong taong gulang na bata matapos banggain ng isang motorsiklo noong umaga ng Pebrero 12, 2018.

Mula sa ulat ng Investigation Section ng PNP Reina Mercedes, tumatawid umano ang biktima pabalik sa kanilang bahay nang bigla itong salpukin ng pulang Honda TMX 155 na patungo sa direksyon ng Cauayan City.

Ayon sa mga nakasaksi, sa halip na tulungan ay tinakbuhan ng di pa nakikilalang drayber ng nasabing motor ang nabanggang bata.

Kaagad namang isinugod ang bata sa Isabela United Doctors Medical Center, Cauayan City, matapos itong magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes para mahanap ang drayber ng motorsiklong sangkot sa insidente.

Facebook Comments