WANTED NA NPA MEMBER SA REGION 2, HULI SA BULACAN

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad sa Lalawigan ng Bulacan ang isang miyembro ng NPA na wanted sa batas mula sa Lambak ng Cagayan.

Nakilala ang nahuli na si Arcadio Tangonan o mas kilala sa mga alyas na “Mariano G. Ramos”, “Amar,” “Diego,” at “Tiago”.

Dinakip si Tangonan sa Malolos City nitong araw ng Sabado, November 20, 2021 ng mga pinagsanib-pwersa ng CIDG Bulacan Provincial Field Unit, San Mariano Police Station, Isabela Police Provincial Office (IPPO), CIDG Nueva Vizcaya Provincial Field Unit, at 1st Provincial Mobile Force Company Nueva Vizcaya PPO sa pamamagitan ng warrant of arrest nito sa kasong dalawang (2) beses na Attempted Homicide at Direct Assault.


Mayroon namang inirekomendang piyansa ang korte sa bawat kaso ni Tangonan na nagkakahalaga ng Php12,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments