Wanted person na hindi mahuli-huli, natunton sa loob ng jail facility sa Muntinlupa

65

Kaya pala hindi mahuli-huli para silbihan ng warrant of arrest, isang wanted person ay sa loob na ng kulungan inabutan.

Matapos magpabalik0balik sa kaniyang bahay, sa Jail facility na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay Tunasan, Muntinlupa City natunton ang wanted person na si Aljon Navarro, alias “Aljon Nono”.


Pinaghahanap ng warrant and subpoena Unit ng Muntinlupa Police si alias “Nono” matapos lumabas noong May 19, 2021, ang kaniyang warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Gener Gito ng Regional Court Branch 204, Muntinlupa City.

Ito’y may kaugnayan sa kaso nitong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002-Possession of Dangerous Drugs (RA 9165 Article II, Section 11).

Gayunman, ang hinahanap nila ay himas rehas na pala kung saan dinampot siya ng mga otoridad noong February 16,2021 dahil sa kasong Frustrated Murder.

Ibabalik si Nono sa Court of origin para sa kaukulang disposisyon.



Facebook Comments