Wanted sa kasong Frustrated Murder, arestado

32

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga kapulisan ang isang wanted kaninang umaga sa Brgy. Poblacion, Kalibo, Aklan. Ang akusado ay kinilalang si Mark Gonzales alyas “Mac-Mac”, 28-anyos at residente ng Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo. Si Gonzales ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Aklan PPO Trackers Team, 605th MARPSTA, CIDG-Aklan, Kalibo PNP at PIU sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 15455 na inisyu ni Hon. Montalid P. Patnubay, Presiding Judge, RTC6, Branch 9, Kalibo, Aklan at may petsang July 29, 2020. Nag takda ng Php 200,000.00 na piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Si Gonzales ay dinala muna sa Aklan PPO para sa dokumentasyon at itinurn-over sa korte.

Facebook Comments