Wanted sa kasong Human Trafficking at Top 9 Most Wanted ng Aklan arestado sa Navotas City

23

Kalibo, Aklan – Arestado ang isang babaeng wanted sa kasong Human Trafficking at Top 9 Most Wanted ng Aklan sa Navotas City. Ang akusado ay nakilala kay Catherine Tandas, sa legal na edad at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Tangos sa nasabing syudad. Base sa report na 2015 pa ito namonitor ng Ant-Human Trafficking Task Force kung saan nagre-recruit ito ng mga kababaehan tapos sasabihin nyang ipapasok sa magandang trabaho pero prostitution pala ang babagsakan. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng mga otoridad at nakatakdang i-turn over sa korte.

Facebook Comments