WAR ON DRUGS | Dating NBI regional director na sangkot sa shabu lab sa Catanduanes, sumuko

169

Manila, Philippines – Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating mataas na opisyal ng bureau na sinasangkot sa natuklasang shabu laboratory sa Virac, Catanduanes

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, nasa kustodiya na nila ngayon si dating Acting Regional Director ng NBI-Central Mindanao Regional Office (NBI-CEMRO) na si Augusto Eric Isidoro.

Si Isidoro ay sumuko matapos ang pinalabas na warrant of arrest ng Fifth Judicial Region, Regional Trial Court Branch 43 sa Virac, Catanduanes laban sa kanya.

Si Isidoro ay isinailalim na sa fingerprinting, booking at mugshot, gayundin sa medical examination ng NBI-Medico Legal Officer.

Si Isidoro ay pansamantalang inilagay sa kostudiya ng Security Management Division ng NBI habang inaantabayan ang commitment order ng korte kung saan siya ikukulong.

Facebook Comments