WAR ON DRUGS | P90-M halaga ng mga makabago at modernong kagamitan, ipinakita ng PDEA

Manila, Philippines – Mahigit sa 90 milyong piso ang halaga ng mga makabago at modernong kagamitan ang binili ng Philippine Drug Enforcement para magamit sa kanilang operasyon.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, inisyatibo ito ng PDEA para lalo pang mapalakas ang kapabilidad ng ahensiya sa paglaban sa war on drugs ng Duterte Administration ngayong taong 2018.

Para maayos na ma-monitor ang mga drugs suspect at kanilang mga iligal na aktibidad, bumili ang PDEA ng surveillance intelligence at communication equipment tulad ng remote controlled, aircrafts o drones, 166 handhelds radios, at 100 body cameras.


Bukod pa dito ang753 tactical helmets, 23 reloading machines, 470 printers, at 100 laptops computers, mga sasakyan at motorsiklo.

Dagdag pa ni Aquino dahil sa mga makabagong kagamitan, tiniyak nito na mapahusay pa ang intelligence at information gathering ng ahensiya at sa mga gagawing operations nito.

Magiging kaparte din ng mga equipment ang mga regional offices ng PDEA sa buong bansa.

Facebook Comments