WAR ON DRUGS | PDEA, lumambot sa kagustuhang palitan ang slogang Oplan Tokhang

Manila Philippines – Walang nakikitang problema si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino kung nagmamatigas si PNP Chief Bato Dela Rosa na huwag alisin ang slogan na Oplan Tokhang.

Ito ay mistulang paglambot ni Aquino sa unang mungkahi na bilang lead agency, gusto niya na alisin na lamang ang Oplan Tokhang dahil sa negatibong pananaw dito ng publiko dulot ng mga patayan sa war on drugs ng Duterte administrasyon.

Aniya, ipauubaya na nila kay PNP Chief DelaRosa ang diskarte sa relaunch o muling paglulunsad sa Oplan Tokhang.


Gayunman, mahalaga na maunawaan ng publiko ang pinakaintensyon ng kampanya.

Ang Oplan Tokhang ay isang simpleng panghihikayat at walang layunin na patayin ang mga mga sangkot sa operasyon ng illegal drugs.

Facebook Comments