WARRANTLESS ARREST SA MGA MASASANKOT SA VOTE BUYING AT SELLING, KASADO NA

Pinahihintulutan na ng Commission on Elections o COMELEC ang paghahain ng warrantless arrest para sa mga nasasangkot sa vote-buying at vote-selling ngayong nalalapit na Midterm Elections.

Sa ilalim ng Section 37 ng COMELEC Resolution No. 11104 na nilagdaan nito lamang January 28, 2025, maaaring arestuhin ang sinomang mahuhuli ng mga awtoridad na nagbebenta o bumibili ng boto kahit pa walang warrant of arrest.

Bahagi ito ng mas pinalakas na adhikain ng ahensya ukol sa muling inilunsad na Kontra Bigay na may layong malabanan ang pang-aabuso sa election resources at matugunan ang talamak na kaso nito sa tuwing eleksyon.

Inihayag naman ni Pangasinan PPO PD Capoquian ang maaaring exception sa naturang regulasyon.

Samantala, makatutulong din sa pagsugpo ng vote-buying at selling sa Pangasinan ang kailan lamang inilunsad na 2 hour habit kung saan ayon sa PPO, mamomonitor sa pamamagitan nito hindi lamang ang nasabing kaso maging iba pang uri ng kriminalidad sa bisinidad ng probinsya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments